Noong
nakaraang Biyernes, Hulyo 13, ay araw na nagkataong a-trese ng Biyernes o Friday
the 13th. Bagamat hindi ako naniniwala sa mga kasabihan, may mga
nangyari sa akin na sa pakiwari ko malas. Sinimula ko ang araw na wala sa isip ang
Friday the 13th. Ngunit
biglang umulan ng sobrang lakas nang pabalik na kami ng aking blockmates sa
Katipunan pagkatapos naming kumain. Hindi kami makahanap ni isang tricycle, kaya
matiyaga kaming naglakad sa ulan. Sa araw din itong nasira ang aking payong at
sobrang nabasa ako sa ulan. Kahit na nainis ako sa ulan at muntik na kaming
mawalan ng mga upuan, nagustuhan ko naman ang nakakatuwang dulang ito noong
gabing iyon.
Sa halip ng pagiging Friday the 13th,
pangangailangang manood ang aming klase sa Fil11 ng produksyong Mutya para sa
30th anibersaryo ng Ateneo Entablado. Nagtatampok ang Mutya ng
dalawang dula, Mga Santong Tao at Ang Sistema ni Propesor Tuko.
Ang unang dulang ipinalabas, Mga Santong Tao, ay isang dulang tungkol sa mag-asawang sina Titay
at Ambrosio at ang plano nilang lokohin ang tatlong makapangyarihang lalaki sa
lipunan---ang kura, ang sakristan mayor, at ang piskal para sa pera. Makikita
sa kwento ang plano ni Titay sa pagamit ng mga nais ng tatlong lalaki para sa sariling
kapakanan. Sa umpisa ay hindi ko maintindihan kung tungkol saan ang kwento, subalit habang pinapanood ko ay unti-unti ko ring naiintindihan. Ang tema ng dula ay makaluma at ang kasuotan
ng mga tauhan ay barong at baro’t saya. Magagaling silang lahat dahil sobrang makatotohanan
ang kanilang pag-arte. Ang isang napansin ko sa palabas na ito ay ang pagiging mature nito na hindi ito pwedeng basta
basta panoorin ng mga bata. Ngunit, dahil sa pagiging pagka-mature nito, nakakaaliw at nakakatawa
ang dating sa mga nanonood. Sobrang
madamdamin ang pag-arte nila na para talagang nasa lumang panahon kung saan ang
gamit pang salita ay ang mga malalalim na Tagalog kaysa sa Taglish na ginagamit
natin ngayon. Ang hindi magandang aspekto ng dula para sa akin ay ang sobrang
paggamit ng bulgar na salita at mga aksyon. Siguro ganito pananaw ko dahil
hindi ako sanay makarinig at makakita ng ganitong bagay. Sa pangkalahatan,
nakakatuwa pa rin ang dulang ito.
Ang Sistema ni
Propesor Tuko ay ang pangalawang dulang pinanood namin. Isa itong komedyang
dula na pinipintasan ang sistema ng edukasyon ng Pilipinas. Ang tagpuan nito ay
sa silid-aralan ni Propesor Tuko kung saan ang kanyang apat na estudyante, sina
Bodyok, Ningning, Bondying, at Kiko, ay nagsisikap matuto sa
kabila ng makalumang pamamaraan at pagiging diktador sa pagtuturo ni Propesor
Tuko. Sa kwentong ito, ipinapakita kung paano magtulungan ang mga mag-aaral
upang tigilan ang pamamaraan ng pagtuturo ni Propesor Tuko. Mas nagustuhan ko
ang dulang ito kaysa sa nauna dahil sa tema na mas moderno kumpara
sa naunang makalumang dula. Higit sa lahat, ito ay dahil sa gumanap na katauhan ni
Propesor Tuko. Ang tauhang ito ay ang klaseng propesor na nasa isip
niya na siya ay palaging tama dahil sa haba ng kanyang karanasan bilang guro.
Lagi niyang sinusunod ang kanyang paraan ng pagtuturo at hindi nagbubukas ang
kanyang isip sa pagbabago. Bagamat inilalarawan ni Propesor Tuko ang pagiging
seryoso, strikto, at nakakatakot na guro, nagawa naman nitong maging katawa-tawa
ang kanyang pag-arte. Dahil dito, nakakaaliw ang dulang itong panoorin. Kahit
isa itong komedya, maraming ding mga aral ang matututunan sa kwento. Isa na
rito ay hindi hadlang ang kahirapan sa sinumang gustong matuto. Ipinapakita rin
sa kwento na hindi sapat ang pondo na nilalaan ng gobyerno sa edukasyon.
Ipinahiwatig ito sa kakulangan ng mga pasilidad sa loob ng paaralan at ang
hindi sapat na sahod ni Propesor Tuko.
Sa umpisa, ang panonood ng Mutya ay isang pangangailangan
lamang na dapat gampanan. Inakala ko rin na ito ay isang palabas na nakakainip.
Subalit nagkamali ako, dahil natuwa ako sa pagnood dito at marami rin akong natutunan.
Friday the 13th picture:
http://albanykid.com/2012/01/13/friday-phobia-facts/
http://albanykid.com/2012/01/13/friday-phobia-facts/
Mutya pictures:
http://theaterati.tumblr.com/post/27113145880/ateneo-entablado-presents-its-30th-season-opener-mutya
http://theaterati.tumblr.com/post/27113145880/ateneo-entablado-presents-its-30th-season-opener-mutya
Marami pang di pagsunod sa ating "Checklist" dito, tulad ng maling gamit ng nang/ng, mahanap/makita, dito/rito at iba pa. Tiyaking pinag-aralan nang mabuti ang ating "Checklist" bago muling magsulat at magpasa ng entry sa akin. Salamat!
ReplyDelete