Sunday 22 July 2012

Paghuhusga


Source: http://pablobanila.tumblr.com/post/12154316562/jose-garcia-villa-the-emperors-new-sonnet-1942

Ang nakikita ng mata ang siyang pinaniniwalaan. Nang pinakita sa klase namin ang tulang The Emperor’s New Sonnet, nalito ako kung bakit tinatawag itong tula nang wala naman itong mga salita kundi ang pamagat lamang. Ngunit gawa ito ni Jose Garcia Villa, isa sa mga magagaling na makata sa Pilipinas, kaya siguro itinuturing ito bilang isang biswal na tula na may malalim na interpretasyon.


Kung pag-iisipan, hindi lamang pala blangko ang tulang ito. Pinagsasabihan nito ang mga taong walang sariling saloobin sa kung ano ang maganda at kadalasan ay umaasa sa mga pasya ng iba bago gumagawa ng sarili. Ipinapakita nito sa mga mambabasa na kailangan din nating tumingin sa mga bagay nang inosente tulad ng bata para makita natin ang totoong kagandahan na malaya sa mga panlipunang paniniwala na nag-iimpluwensiya sa ating pananaw.


Sa kabila ng interprasyon ng tula, napaisip din ako ng ibang isyu na may kinalaman din ng karamihan. Itinuturing ng mga tao ang kagandahan base lamang sa panglabas na anyo o hitsura ng isang bagay. Gawin natin halimbawa ang tulang ito. May mga taong mapapanganga lamang at iisipin na niloloko lamang sila dahil para sa kanila ang isang tula ay dapat naglalaman ng mga salita. Hindi nila naiisip na may mas malalim na kahulugan pala ang pagiging blangko nito.



Source: http://yogapeach.com/2012/06/10/i-wish-judgements-did-not-exist/


Hindi lamang bagay ang hinuhusgahan ng panglabas na anyo kundi mga tao rin. Kadalasan ang unang impresyon natin sa mga tao ay base sa  kanilang hitsura o kasuotan. Halimbawa, kung may dalawang tao na pumasok sa isang mamahiling tindahan—isang nakabihis-mayaman at isang nakasimpleng kasuotan lamang—sino sa tingin mo ang unang papansinin ng tindera? Hindi ba’t ang mukhang mayaman? Ito ang kadalasang nangyayari sa ating kapaligiran.


Isa pang halimbawa ay may kinalaman sa mga masasamang pangyayari sa lipunan natin ngayon.  Ang madalas na nanloloko ng kapwa ay disente ang hitsura na akala mo ay mapagkakatiwalaan ngunit magnanakaw pala.


Samakatuwid, hindi tayo dapat humatol nang padalos-dalos. Wala sa panglabas na kaanyuan nakikita ang pagkatao natin. Sapagkat sa bandang huli, ang paghuhusga mo sa kapwa mo ay hindi tungkol sa kanila kundi sumasalamin sa iyong pagkatao.


Source: http://www.youtube.com/watch?feature=endscreen&NR=1&v=wgxSK6doGh4





1 comment:

  1. May ilan ka pang kailangang ayusin dito kaugnay ng ating "Checklist," Tulad halimbawa ng paggamit ng pandiwa ("pinakita"), dobleng maramihan ("mga magagaling"), baybay ("Samakatuwid"), at iba pa. Tiyaking maging mas maingat sa susunod. Pagmunian at pag-aralan nang mabuti ang nasa "Checklist" bago muling magsulat at magpasa ng entry sa akin. Salamat!

    ReplyDelete