Sunday, 23 September 2012

Level-up


Level-up
(v.)
        1.  Paggawa ng isang bagay na nagpabuti o nagpatagumpay sa buhay

Madalas na ginagamit ang salitang “level-up.” Ilang mga halimbawa ng pag-level-up ay:

 Promosyon sa trabaho
             
  

Pagtaas ng marka

          


Pagkaroon ng kasintahan
             



Sa paglipas ng panahon, lumelevel-up na rin ang mundo sa maraming paraan.

Kung dati puro papel at lapis ang ginagamit sa pagsusulat sa klase, ngayon mga laptop at tablet na ang makikitang hawak ng mga mag-aaral sa silid-aralan.

Hindi lang ang mga mag-aaral ang lumelevel-up, kundi ang mga guro rin. Dati ay sinusulat lang nila ang talakayan sa pisara. Ngayon, gamit ang laptop o tablet, ipinipresenta nila ang aralin sa pamamagitan ng projector sa loob ng klase.



      Kahit ang mga level-up na ito ay nagpapadali at nagpapabuti ng buhay sa panahong ito, hindi lahat ng level-up ay pag-asenso.

       Sa “bagong birtuwal na pag-iral,” may ikalawang kahulugan ang salitang level-up.


Level-up
(v.)
         1.  Paggawa ng isang bagay na nagpabuti o nagpatagumpay sa buhay
       2. Kapag ang isang player ng isang video game ay kumita ng sapat na puntos sa karanasan (experience points) upang makakuha ng isang bagong antas sa isang kasanayan o mga kasanayan. Madalas ay sinasamahan ng kakayahang makakuha ng bagong armas, i-access ang mga bagong lugar, o magsimula ng mga bagong asignatura.



      Marami ay nakakalevel-up at nagkakamit ng mataas na kapangyarihan upang maging hero sa birtuwal na mundo. Puwede ngang makakuha ng mataas na antas sa birtuwal  na mundo kagaya ng level 150 sa Ragnarok o level 25 sa DOTA, samantala lubha sa karaniwannahihirapan sila sa pagsusulit, daskol na gumagawa ng takdang-aralin, bumabagsak, atbp.  Pansamantala lamang ang level-up sa birtuwal dahil kailangang magising at harapin na ang level-up sa birtuwal ay hindi level-up sa realidad.

         Bagaman naglelevel-up na tayo sa kasalukuyan, sana patuloy tayong makalevel-up  (hindi lamang sa birtuwal pero sa totoong buhay din) sa darating na panahon.




Mga sanggunian:



No comments:

Post a Comment